Pistorius reenactment video, kumalat; maaring mauwi sa mistrial ang kaso!
Ang leaked footage ng reenactment ng Olympic at Paralympic star na si Oscar Pistorius, sa mga sandaling nauwi sa pagbaril at pagpatay sa kanyang girlfriend na si Reeva Steenkamp, ay nag-air sa Australian television, Linggo ng gabi -- at maari itong magresulta sa isang mistrial, ayon sa isang expert na kumausap sa AFP.
Ang footage, na nakunan sa bahay ng tito ni Pistorius, ilang buwan matapos ang shooting, ay ipinapakita ang Paralympics gold medalist na kumikilos na tila may hawak siyang baril...at tinakbo niya ang camera para i-re-enact kung paano niya binaril ang pinto ng banyo, isang gabi sa Pebrero noong isang taon...na sinabi niyang inakala niyang isang intruder.
Makikita rin sa video si Pistorius, na ginamit ang kanyang kapatid na si Aimee sa reenactment para magkunwaring si Steenkamp, na hinatak ang babae palabas ng banyo at pababa ng hagdanan.
Ayon sa legal team ni Pistorius, ang footage ay nakuha ng Channel 7 sa ilegal na pamamaraan, at wala silang karapatan na ipakita ito sa mga manonood.
Ayon sa legal expert na si Stephen Tuson, ang leak na ito ay maaring maituring na breach of privilege between a client and his lawyers, at maari itong mauwi sa isang mistrial.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH