Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, February 18, 2022:
- Grupo ng mga jeepney driver at operator, nagbabalak magkilos-protesta para sa hinihiling na taas-pasahe
- Tatlo patay sa kotseng nagliyab nang bumangga sa concrete barrier; Nakaligtas na driver, nakainom umano
- Bagong COVID-19 cases sa bansa, bahagyang tumaas sa 2,232 ngayong araw
- DOH, kinontra sa QC-RTC ang petisyong humihingi ng TRO laban sa COVID-19 vaccination ng mga batang 5-11 anyos
- Comelec, pinag-aaralan na ang polisiya tungkol sa mga campaign poster kasunod ng mga reklamo sa oplan baklas
- DENR Sec. Roy Cimatu, nagbitiw na sa pwesto dahil sa kanyang kalusugan
- Pres'l Candidate Bongbong Marcos, gusto raw palakasin ang tourism industry para dumami ang magkatrabaho
- VP Leni Robredo, nangakong ang pagtratrabaho sa ibang bansa ay magiging "by choice" imbes na dala ng pangangailangan
- Sen. Manny Pacquiao, handa raw kunin ang ilang cabinet secretary ng Duterte Administration maliban kay DOH Sec. Francisco Duque III
- PAGASA, naaalarma na sa mababang antas ng tubig sa Angat Dam bago pa man magtag-init
- Panyonyope o pandaraya sa sabong, tinitingnang ugat sa pagkawala ng 29 na sabungero
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.