Milyon-milyong Pilipino ang naaapektuhan ng matinding pagbaha bawat taon sa kabila ng bilyong pisong halagang flood control budget.
Kamakailan, uminit ang usapin tungkol sa mga ‘ghost’ at substandard projects, gaya ng mga dike na bumigay ilang buwan pa lang matapos maitayo, mga istrukturang hindi makita sa mismong lokasyon, at mga proyektong hindi pumapasa sa pamantayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ano nga ba ang flood control projects at paano ito ginagawa? Panoorin ang video.