Aired (November 22, 2025): Sa gitna ng kanilang pinagdadaanan, personal na binisita ng Wish Ko Lang ang pamilya ni Jamaica upang maghatid ng tulong at pag-asa. Ipinagdasal at binasbasan sila ng pari, at pinagkalooban din ng programang tulong pinansyal para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at patuloy na laban sa buhay.