UNTI-UNTING PAGKAKALBO SA SIERRA MADRE NA ITINUTURING NA NATURAL FLOOD CONTROL NG BANSA, SIYASATIN NATIN. AT MAY KINALAMAN NGA BA ANG KONTROBERSYAL NA LUXURY CONDO SA CEBU NA SINISISI NG MGA RESIDENTE SA MATINDING PAGBAHA SA PROBINSYA?!
Mula 2003 hanggang 2020, kasing lapad na raw ng halos 6,000 na football fields ang nawalang kagubatan ng Sierra Madre. At hindi lang daw ito dahil sa illegal logging, bunsod din ng malawakang mga minahan.
Kung may mga negatibong epekto pala ang operasyon ng minahan sa Sierra Madre, na isa pa man ding protected area paano at bakit pinayagang mag-operate ang mga ito?
Samantala, nang bumuhos ang Bagyong Tino sa Cebu City, nilamon sila ng makapal, maputik, at kulay tsokolate na baha. At ang itinuturo nilang pinagmulan nito, ang high-end subdivision na itinatayo sa gilid ng isang kinalbong bundok, ang kontrobersyal na Monterrazas de Cebu!
Ang Part 12 ng 'Katakot-takot na Kurakot' sa pagpapatuloy ng KMJS Special Reports, panoorin sa video na ito. #KMJS
"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS